Suri
The movie in Erap's mind 2
by Romeo L. Manlapaz

Tampok

"Who's the truest of them all" | Flor Cabangis - a peek at the witnesses who spiced up the impeachment trial
The new president as economist by Gerardo Sicat
The Ties that Bind by Chief Justice Hilario Davide | Speech delivered on the 90th Anniversary of the UP College of Law

UP in the impeachment trial

 

Balitang Diliman
UP Law celebrates 90th year
Ethnic Thursday nights with Kontra-Gapi in UP
Announcing critical Asian Studies

Opinyon
Editorial
Sapantaha
ni Roland Tolentino
Bitaw ni Ricky de Ungria
Heresies by Patricio N Abinales

Balita

Balitang Sistema
BOR appoints new officials
UP Webmasters meet in systemwide conference
House approves UP Budget 2001

Balitang Alumni

Search for UP Alumni awardees now on

Balitang Los Baños
Opulencia gets UNESCO-ASM travel award
Stolen Sasso chickens recovered
Calling for PIAs

Balitang Baguio
Ibon Foundation editor analyzes sudden transition
UP Baguio celebrates Ruby Anniversary

***

Sa mga panahong ito, hindi mahirap magpaliwanag sa mga estudyante kung bakit kailangang pumunta sa EDSA, bakit kailangang magbigay ng malalaking sakripisyo at bakit kailangang lakarin ang pupuntahang rali kahit pwede namang umarkila ng sasakyan. Sa daan, maraming estudyante ng UP ang naghihintay pala sa rali at sumisingit na lang sa bulto ng kani-kanilang kolehiyo. Dito dumami ang kabuuang bilang ng mga nagrali na galing sa UP. Kahit ang mga bystanders at mga naghihintay lang ng sasakyan sa kahabaan ng EDSA ay nahikayat ng malaking pagkilos ng UP at sumama sa rali. Sinasabi nila na umabot daw sa 10-15 libo ang kabuuang bilang ng ating hanay. Naglunsad tayo ng ala-people power sa EDSA. Ito na ang pinakamalaking rali ng UP pagkatapos ng malaki nating pagkilos nung panahon ng kampanya sa pagpapatalsik ng base militar ng kano noong 1991. Pagdating sa Ortigas ay napakaiinit at malugod ang pagtanggap ng mga tao. Ang mga naunang estudyante ng UP sa EDSA Shrine ay mabilis na pumaloob sa ating hanay. Napakaespesyal ng pagdating ng UP at hindi maikakaila ang mataas na pagpapahalaga ng mga tao sa presensya ng mga Iskolar ng Bayan. Iisa ang ating hangarin. Lahat tayo ay nagkakaisa sa ating ipinaglalaban. Sinundan tayo ng malaking bilang ng mga estudyante mula sa PUP na nagwalk-out din sa kanilang mga klase. Dumaan sila sa San Juan at pinagbabato raw sila ng bote ng mga tao dun. Nauna sa atin ang mga estudyante ng St. Scho, Miriam, Adamson, FEU, Don Bosco, Ateneo. Sa hanay ng mga kabataan ay nandoon din ang Estrada Resign Youth Movement. Araw-araw ay sa kalsada na gaganapin ang ating mga klase. Handa tayong tapusin ang semestre sa lansangan hanggang hindi bumababa si Erap sa puwesto. Kung nasaan ang laban, nandoon tayo. Umasa kayo sa paninindigang ito ng mga Iskolar ng Bayan.

Byernes, 19 Enero 2001 - Marami ang nagsasabing pinakamalaki sa kasaysayan nito ang rali ng UP kahapon. Binanggit ni Prof. Karina David sa publiko kahapon na may 30,000 na mga UP estudyante at fakulti ang nagmartsa mula Diliman papuntang EDSA Shrine. Nagbunga na ang ating determinasyon dahil malapit nang mawala sa Malacanang si Erap. Tagumpay ang ating people power. Masasabing malaki ang papel na ginampanan ng UP sa people power sa EDSA. Isa tayo sa mga unang grupo na pumunta sa EDSA nung Miyerkules ng madaling araw at nanawagan sa pagpapabagsak kay Erap. Araw-araw tayong pumupunta sa EDSA at araw-araw ding palaki nang palaki ang ating bilang. Isang pagpapakita sa lakas ng UP at ang militanteng tradisyon ng mga Iskolar ng Bayan. Ituloy natin ang laban hanggang mawala na talaga si Erap. Hamunin natin ang bagong presidente na magtalaga ng mahahalagang reporma sa pamahalaan lalo na yung mga hinihiling ng mga kabataan na bigyan ng kaukulang prayoridad ang sektor ng edukasyon. Samantala, sapat na sigurong magpugay muna sa lahat ng makabayang organisasyon at inidibidwal na walang pagod na lumahok sa lahat ng pagkilos sa pagpapatalsik kay Erap. Mabuhay ang Iskolar ng Bayan! Mabuhay ang mamamayang Pilipino! Mabuhay ang Demokrasya!

Sabado, 20 Enero 2001 - Sa lahat ng myembro ng UP Community: Pumunta po tayo sa Mendiola - ngayon na - at igiit ang madaliang pagbibitiw ni Estrada. Ang mga estudyante ay nagmamartsa na ngayon papuntang Mendiola at buong-buo ang paninindigan na kailangang tapusin na ang panunugkulan ni Erap. Sa lahat ng mga dormers, sumama na tayo. An estimated 50,000 - 75,000 anti-Erap protesters are now marching in the streets papunta sa Malacanang. Dun tayo sa Mendiola. Mabuhay ang mga Iskolar ng Bayan!

previous | main


Missed Last Month's Forum?

click the icon for the online version

University of the Philippines System, Diliman, Quezon City, Philippines
Trunklines: (+632) 9205301 to 35
Netknitting by byugo. Copyright 2000 UP System Information Office
Comments and Feedback