Para
saan nga ba talaga ang ROTC?
ni 93-01197
Para
saan nga ba talaga ang ROTC?
Siguro, wala. At kung hindi mo na-enjoy yung CAT mo nung high school,
lalong walang-wala.
Kaya nga, laking gulat siguro ng mga militante nang malamang matapos
silang mag-rally, hindi naman talaga in-abolish ang ROTC. Hindi naabolish
ang ROTC kundi tila ni-repackaged lang para maging optional
kasabay ng dalawang component programs.
Obligado , ayon sa RA 9163 o National Service Training Act, ang lahat
(lalake at babae) na kumukuha ng baccalaureate courses o at least 2-year
vocational courses, na mag-enrol sa isa sa tatlong training components
ng National Service Training Program bilang prerequisite
sa graduation: ROTC, Literacy Training Service, o Civic Welfare Training
Service. Ginawa na ring 3-unit course ang dating 1.5 unit na ROTC.
So ngayon, pwede nang mamili kung magmamamartsa sa Sunken Garden o magwawalis-walis
na parang mga kadeteng nagme-make-up noong panahon namin yun
siguro ang optional. Pero ang bottomline, walang exempted. At kailangan
pa ring mag-take ng NSTP.
Hindi rin ikinatuwa ng ilang grupo ang pagkakaroon ng mga babaeng kadete.
Para sa kanila, pinalalawak lamang nito ang posibilidad ng pang-aabuso
sa loob ng sistema. Noong Nobyembre nang nakaraang taon, tinuligsa na
ni Bayan Muna Rep. Liza Maza ang pananatiling auxiliary component
ng NSTP dahil ipapatupad ito coordinated and integrated by the
DND. Hindi siya nagkamali.
Kababaihan ang isa sa mga pinakamaingay na grupong kumilos para sa abolisyon
ng ROTC. Sila ngayon ang tila binalikan ng mala-karmang tadhana.
Natapos ko na yung ROTC pero ako man hindi ko ikinatuwa yung mga training
day. Isipin mo, yung aaralin mo na lang para sa exam sa Nat-Sci 2 ng
Sunday eh ipapasok mo pa sa TD ng Saturday (Sunday para sa inyo). Nalagasan
din ako ng ilang daan para sa corps shirt at iba pang ka-ekekan ng aming
mga officers. At hanggang ngayon, di ko pa rin alam kung bakit kailangang
tumakbo paikot sa corps office para lang mag-login.
Pero para sa akin, (sa akin lang naman) hindi ganun kagrabe ang ROTC,
at least hindi sa UP.
Sabi nila
panay pahirapan ang ROTC. Siguro. Dahil may mga pagkakataong
naiisip ko rin na sayang lang ang mga Sabado ko (Sundays para sa inyo)
sa mga training day na yan, lalo na kapag may exam ako kinabukasan.
Wala daw natututunan
ewan ko. Ang alam ko nung panahon namin, tinuruan
pa rin kaming magkalas ng mga baril at magbasa ng terrain maps. Yun
nga lang, dahil masinop din ako sa CAT nung high school, parang review
lang sa akin at walang bagong knowledge. Paliwanag nga ni Joey Quiriones,
training officer ng UP Department of Military Science and Tactics, hindi
naman puro tikas pahinga, pagbibilad sa araw at parusang push-ups ang
matututunan kapag sumailalim sa ROTC.
Bukod sa combat training at marksmanship, tinuturuan din ang kadete
ng map reading at land navigation. Ika niya.
Pero yung marksmanship, hindi ko yata alam na tinuro yon ha.
Kung may natatanging talento sa pagtugtog o pagkanta ang mga kadete,
maari rin silang kumuha ng talent test at sumali sa ROTC band o choir
na may training equivalent sa military science. At para naman sa mga
estudyanteng nais seryosohin ang military profession, pwede rin silang
magpatuloy sa Advanced ROTC Course kung saan pwedeng maging isang regular
na opisyal ang magtatapos.
Pwede ring pumasok sa mga non-marching units ang mga simpleng kadete.
Noon, pwedeng magpa-enlist sa MP, Medic, NCO, at admin cadets (sila
yung mga may kotse na nagda-drive sa mga officer at kumukuha ng mga
break orders).
Nananakot, nang-aapi, nagpa-pahiya ang mga officers. Totoo. Pero wala
namang pinag-iba yun sa CAT ng high school di ba? Kukupalin ka talaga,
pero kadalasan ay kung hindi ka sumusunod sa training day requirements.
Eh kung sinabing haircut day at naka pony tail ka pa, asahan mong mapapa-push-up
ka. Estudyante rin naman kasi ang mga officers at hindi nila pwede dalhin
ang pagka-officer nila sa ibang mga klase.
At hindi sa pagtatanggol, hindi lahat ng officer ay bobo. Meron nga
akong kilalang officer ng FA na gumradweyt na cum laude sa Chemistry.
Yung officer namin mismo sa Charlie Infantry ay nagrereview na lang
para sa Bar ngayong taon. Totoo yon, kasi ilan sa kanila ay naging mga
kaibigan ko rin eventually. Isang taon lang ang NSTP, at pagkatapos
nun kanya-kanya na ulit. Malay mo maging kaklase mo pa ang mga iyan.
Totoong magastos ang uniform, pero hindi totoo na kailangan mong umorder
ng bago. Kung hindi ako nagkakamali, uniporme ko pa sa CAT ang ginamit
ko sa ROTC pinalitan lang ng patch at dinagdagan ng ilang mga
paraphernalia. Siguro inabot din ako ng mga limang daan para sa corps
shirt, beret at bagong buckle pero hindi umabot ng sanlibo. Itong uniporme
ring ito ang ginagamit ngayon ng kapatid ko. Totoo na mahal ang corps
shirt na hindi mo makukuha kung hindi mo pa kukulitin yung mga taga-DMST.
Pero dati pinapayagan nila kaming magsuot ng white shirt bilang substitute.
Ewan ko lang ngayon. Mantakin mo, sa presyong P180 (dati yon), kapresyo
ng corps shirt ang plain Giordano shirt. Nadi-deliver naman yung mga
shirt inaabot nga lang ng isang semester bago maisuot.
Regarding break orders, hindi naman obligadong umorder at magbayad ng
kinse pesos para sa isang pirasong Spanish bread at isang boteng pop
cola na meryenda. At para tiyak na hindi kukulimbatin yung sukli, dapat
magbigay ng exact change. Pero kunsabagay, totoo na usung-uso yung nawawalan
ng sukli, maski noon.
Hindi lang pagbibilad sa araw ang ROTC sa UP, hindi pares sa ibang paaralan.
May mga unit competitions pa nga at parades. Walang kwenta, pero at
least medyo naiiba.
Medyo masaya rin sa ROTC dahil marami akong naging kaibigan dahil siguro
sa pare-pareho naming pagkamuhi sa ROTC.
Sa paglipas ng apat na semester, halos parang magkaka-block na kami.
Kasi halos kami-kami rin ang magkasama sa loob ng dalawang taon (maliban
na lang kung may nag-drop o kaya ay nagpalipat ng unit). Isang beses
nga sa isang rock concert sa Sunken Garden, may pamilyar na mukha na
bumati sa akin pero di ko matandaan yung pangalan. Ka-unit ko daw siya
sa Charlie.
Okey din naman ang ROTC, yun ay sa akin lang naman. Pero kung ayaw mo
talaga, bakit mo pa gagawing miserable yung buhay mo sa karereklamo?
Nasa sa iyo naman ang desisyon. Mabuti nga sa UP, at least yung dalawang
component ng NSTP ay nai-implement. Sa ibang eskwelahan, ROTC pa lang
kaya wala talagang pinagkaiba.
Sabi nga ni Roberto Dy, Admin. Assistant sa DMST, pwedeng mag-enroll
either sa ROTC o kaya ay sa CWTS. Hindi ko na naabutan yung CWS
pero ayon kay Dy, hinahati ang mga estudyante sa mga grupo na binibigyan
ng specific oplan. Oplan, as in gagawa kayo ng outreach
programs, pero kayo ang bahala sa gagastusin ninyo, pati sa sa pagkontak
ng magi-sponsor sa inyo. Dagdag pa nya, sinisimulan na rin ang pagbalangkas
sa istruktura ng pagpapatupad ng Leadership Training Service (yung third
component ng NSTP) dito sa UP Diliman.
May choice ka, actually. Gumising ka nang maaga para pumila sa CWTS.
Panahon na rin sigurong mabilad din sa araw yung mga babae. Gender equality
di ba? Eh di gumulong din sila sa putikan. Aba, mamatay din sila sa
init. Tutal hindi rin naman exclusively for males ang CAT. At technically,
walang pinagkaiba ang dalawa.
May magagawa para mabago ang lahat ng ito, marami. Pwedeng mag-martsa
sa Kongreso at mag-rally para magpasa ng batas para i-abolish na totally
ang ROTC, o kaya para alisin yung military feature ng NSTP. Pero may
katagalan ang pagsasabatas. At sa karanasan ko, mas less ang hassle
kung itutuloy na lang. Tutal pwede rin naming I-enjoy ang RO. Ang advise
nga ng isang kadete na nag-post sa UP Discussion Group, Makisama
ka at makipagkaibigan ka sa mga ka-platoon mo at sa platoon leader nyo.
Siguro totoo, walang kabuluhan ang ROTC. Pero di ba maraming bagay sa
mundo na walang kabuluhan pero pinagdadaanan pa rin natin.
At kung meron mang maituturo yung ROTC, ito marahil ay yung malasap
mo yung tagumpay sa mga pahirap na nalampasan mo.