Pagpukaw
sa Kolektibong Gunita
Karaniwang
pinupuna sa ating mga Pilipino ang kakulangan ng pagpapahalaga sa mga
makabuluhang pangyayari sa ating kasaysayan. Napakadali raw nating makalimot.
Kahit ang araw ng makasaysayang pagtanggi ng ating Senado sa pananatili
ng US base militar sa ating lupain na naganap labing-isang taon lamang
ang nakalipas ay dumaan na halos di na nabigyan ng karampatang pansin.
Kung tutuusin, napakalaking selebrasyon dapat ang dinaos ng bayan noong
Setyembre 16. Sapagkat araw ito ng paglaya natin sa Amerika. Araw ito
ng matagumpay nating paggiit ng ating kasarinlan. Araw itong dapat nakaukit
sa ating kolektibong gunita.
Tulad din ng anibersaryo
ng pagpataw ng Batas Militar tatlumpong taon nang nakaraan. Bagamat
pinakawalan nito ang mga pwersang naghasik ng kilabot at takot, nagpalaganap
ng karahasan, naglapastangan sa mga karapatang pantao, at naglugmok
ng bayan sa lalong kahirapan, ang pagkalimot sa bangis nito ang magbibigay
puwang sa kaisipang buhayin ito muli. Tanging ang pagpapanatiling sariwa
at pagsalin ng kolektibong gunita sa pait ng buhay sa ilalim ng diktadura
ang magtitiyak sa kinabukasan ng di kailan man sa batas militar!
May mga instrumento
sanang makakatulong nang malaki sa pagpukaw sa at pangangalaga ng ating
kolektibong gunita. Isa na rito ang mass media.
Sa kasawiampalad,
mas sumasabay ang ating mass media sa kumpas ng globalisadong mass media
network ng US. Patunay nito ay ang labis na pagpapahalaga sa mga ritwal
ng komemorasyong dinaos ng US sa unang anibersaryo ng Setyembre 11 pag-atake
sa WTC twin towers at Pentagon. Batay sa mga Ground Zero special
na inere sa TV at radyo sa araw din ng Setyembre 11, wariy sa
Pilipinas nangyari ang Ground Zero. Sa isang stasyon ng radyo halimbawa,
limang minuto kada tatlong oras ang pagbubuhay muli ng Setyembre 11.
Halos buong unang pahina naman sa ating mga broadsheet ang inilaan sa
paggunita ng Setyembre 11. Nagmistulang Pilipinong trahedya ang isang
pangyayari sa ibayong dagat nang walang pagbanggit man lamang sa negatibong
epekto sa sarili nating negosasyong pangkapayapaan o sa ating kasarinlan
na ibinubunga ng paglunsad ng US ng digmaan laban sa terorismo. At wala
ring pagtutol o pagkabahala man lamang sa pagbansag ng US na teroristang
organisasyon ang CPP-NPA.
Samantala, halos
walang pagpupugay sa tagumpay ng ating kasarinlan nang dumaan ang petsang
Setyembre 16.
Sa ating kasaysayan,
bago tayong tuluyang nalunod sa kanluraning kultura, di simpleng taga-rekord
ng mga pangyayari o balita ang pagtingin natin sa mass media. Tinuring
natin ang mga peryodiko na tagapagbigay liwanag sa mga kaganapan, tagapagmulat
sa kaisipan. Kung kaya tinawag natin ang mga ito na pahayagan.
Kung tagahayag
o tagapagbigay liwanag, magiging maingat ang ating mga pahayagan at
iba pang media sa pagsala kung ano ang mahalaga at makabuluhan para
sa bayan. Magkakaroon ito ng sariling disposisyon at hindi magpapadala
sa agos ng globalisadong media. Higit nitong bibigyang halaga ang paggunita
ng madilim na panahon ng diktadura para matiyak na hinding hindi na
kailan man papayag ang bayan sa batas militar. Higit nitong ipagdiriwang
ang araw ng ating kasarinlan para mapangalagaan ang kalayaan at kinabukasan
ng bayan.
Our
own University Professor
She
was our real University Professor. Though in life, the University never
formally accorded her the honor. Proof of her brilliance was never in
international publications or research output but in the many excellent
minds and talents she helped shape through the rigor and innovativeness
of her teaching.
She had the uncanny
ability of detecting the bright, the creative, the analytical among
her students, even at their rawest. And once she sensed them, she challenged
them, motivated them, polished them, inspired them, humanized them,
and nurtured them for life.
She was the quintessential
teacher. Her interest in her students went beyond the classroom. She
followed through their development as students, as professionals, as
persons. And so she gave them not only her time, her friendship and
her wisdom, but also her own material resources. Her giving was so total
that in the end, she had nothing left for her own and that of her husbands
medical needs.
She did not make
a fuss when she left us. She just quietly passed away.
But hundreds of
flowers filled Delaney Hall where her body laid in state. And the tears
and the words of tribute overflowed. Her students, her colleagues, the
artists she supported, the whole UP community, the countless people
she had touched, came to honor her.
She was Mrs. E.
to us all. Nieves Benito Epistola. Though UP never formally bestowed
her the title, she was in our lives our own University Professor.
TGM
Opinyon
Editorial
Pagpukaw
sa kolektibong gunita
Heresies
Revisiting
the American Past
Etsa-Pwera
Ang
partnership ni Big Boss at ni Boss