February 2003
Isyu
Diskusyon

Rebyu
Balita
Opinyon
Tampok
Know your regent
Letter from the President
Past Issues

 

spacer
UP LINKS
System Homepage
Diliman
Manila
Visayas
Mindanao
Baguio
Open University

spacer
ONLINE NEWS
UP Newsletter
Collegian
UPDate

 
wwweb
google.com
up.edu.ph

UP System Homepage | UP Webmail | FORUM Home
 

Master Plan sa Quezon-Laguna at Laguna Land Grants
ni Bart Ortega

Sa gawing bulubundukin ng Sierra Madre ay may malawak na lupain ang Pamantasan ng Pilipinas. Ito ay tinaguriang “UP Sierra Madre Land Grants (UP SMLG)”, na binubuo ng dalawang (2) land grants: ang Laguna-Quezon Land Grant (LQLG) at ang Laguna Land Grant (LLG).

Sa layuning mapaunlad at pagyamanin ang malawak na mga lupaing ito, puspusang pinakilos ng Pangulong Francisco Nemenzo ang Sierra Madre Technical Working Group for the Sierra Madre Property upang maisakatuparan ang Land Grant Action Plan Program. Ang programa ay inaasahang magkakaroon ng magandang bunga sa loob ng tatlong (3) taon.

Ang Laguna-Quezon Land Grant (LQLG), na may kabuuang sukat na 6,754.4 ektarya ay ipinagkaloob sa Pamantasan ng Pilipinas noong February 8, 1930 sa bisa ng Philippine Legislature Act No. 3608. Ipinagkaloob ang pampublikong lupa sa layuning makatulong sa pinansiyal at sa pang akademikong pangangailangan ng UP. Samantalang ang Laguna Land Grant (LLG) ay ang dating Paete Land Reservation na may lawak na 3,435.5 ektarya ay ipinagkaloob sa UP sa bisa ng Republic Act No. 3990 noong June 18, 1964. Layunin ng pagkakaloob ng Laguna Land Grant sa UP na makapagtatag ng central experiment station para sa mga estudyante, mananaliksik ng College of Veterinary Medicine, College of Agriculture at College of Arts and Sciences ng UP Los Baños.

May mga pag-aaral tungkol sa masinop at makabuluhang pagpapaunlad ng mga land grants, subalit sa nakalipas na panahon ay wala pang matagumpay na adhikaing naabot. Kung kaya’t ang kasalukuyang pamunuan ng Land Grant Management Office, sa pangunguna ni Dr. Virgilio T. Villancio, ay puspusang nagsisikap na maibalik na muli ang dating sagana sa likas na yaman na mga lupaing angkop na angkop sa mga pang-akademikong gawain.

Ang Laguna-Quezon Land Grant sa kasalukuyan ay binabalot ng napakaraming problema. Isa na rito ang ilegal na squatting. Dahil malawak ang lugal at wala silang nakikitang malawakang proyekto ang UP, inaakala ng mga tao sa karatig na mga barangay na ito’y isang oportunidad para iokupa. Umaasa silang maipagkakaloob sa kanila ang lupang tinitirikan ng kanilang mga bahay.

Taong 1957 nang ipasya ng Board of Regents na italaga sa Department of Agriculture and Natural Resources (DANR) ang paghahanda ng mga dokumentong kinakailangan para magkaroon ng titulo ang lupain sa LQLG sa pangalan ng UP. Nagkaroon ng survey at inaprubahan ang technical description nito na siyang nagpapatunay na ang lupaing ito ay inilaan na para sa University of the Philippines. Magkagayun man, sa kasalukuyan ang nasabing lupain ay walang tigil na pinapasok ng mga ilegal na iskwater at nagpepetisyon pa na ang lupang kanilang sinasaka at pinagtataniman ay maisailalim sa Comprehensive Agrarian Reform Program ng pamahalaan. Subalit malinaw ang batas na nagsasaad na ang mga lupaing nakalaan sa mga paaralan ay hindi kasama sa repormang agraryo. Kaya’t maging ang Department of Agrarian Reform ay nagpaliwanag na hindi maaring maipamahagi ang lupaing sakop ng UP Sierra Madre Land Grants.

Ang bahaging bulubundukin ng LQLG ay sagana sa punong kahoy na umaakit sa mga tao na gawing tabla na gamit ng mga furniture maker at mga nagpapatayo ng bahay. At simula nga ng taong 1962 ay nagkaroon na ng logging operation dito. Ito naman ay naging hudyat ng pagpasok ng mga iskwater sa lugal ng Laguna-Quezon Land Grant. Pagkatapos ng 13 taon, nahinto ang logging operation, subalit hindi mahinto ang pagpasok ng mga kaingineros. At hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na dumarami ang nagnanais na manirahan sa lupaing sakop ng Laguna-Quezon Land Grant. Puspusan naman ang ginagawa ng forest guards ng UP na protektahan ang lupain at wasakin ang ilegal na istruktura o bahay na itinatayo, bagaman kulang na kulang ang kanilang bilang kumpara sa lawak ng kanilang nasasakupan.

Noong 1968 isinagawa ang proyektong maglalagay ng National Botanic Garden sa loob ng LQLG. Ang proyektong ito ay hindi naging matagumpay nang ipasya ng pamunuan ng UP noong 1982 na alisin na sa poder ng UP ang pangangasiwa sa mga land grants at isailalim ito sa National Development Corporation (NDC). Sa loob ng limang (5) taon nangasiwa ang NDC at ipinagpatuloy ang logging operation. Nagpatuloy rin ang pagpasok pa ng maraming trabahador na nang malaon ay doon na nanirahan at nagbuo ng pamilya. Nahinto ang logging operation taong 1989, subalit hindi nahinto ang pagpasok ng mga iskwater at kaingineros. Dahil dito ang mga naninirahan ay naghain ng kahilingan na ang lupang kinatitirikan ng kanilang mga bahay, kasama na ang mga bukirin ay mailipat na sa kanilang mga pangalan.

Batay sa orihinal na plano, ang mga land grants na ito ay siyang pagkukunan ng pantulong pinansiyal na kailangan ng pamantasan. Bawat ektarya ng lupain ay may nakatalagang uri ng pagpapaunlad, katulad ng pagpaparami ng punong kahoy at protektahan ang mga natitira pang kagubatan. Sa kasalukuyan ay puspusan ang pagtatanim ng mga lokal na punong kahoy sa dalawang land grant. Subalit kahit maliliit pa ang mga puno ay walang habas naman itong pinuputol ng mga naninirahan at mga taong ilegal na pumapasok sa lupaing sakop ng UP. Nakipag-ugnayan na ang UP sa DENR para sa mahigpit na pagpapatupad ng batas tungkol sa ilegal na pamumutol ng punong kahoy ng walang pahintulot. Pupusan din ang kampanya ng Land Grant Management Office para mapangalagaan at panatilihin ang kagubatan sa land grant. Inaasahang ang mga punong kahoy na ito ay magbibigay daan para makaimbak ng maraming tubig na titipunin upang makapag supply sa MWSS ng 600 milyung litro ng tubig araw-araw.

Sa panayam ng FORUM sa tanggapan ng Land Grant Management Office (LGMO), binanggit nilang pinakamainam ang “Ecotourism” na modo ng pagpapaunlad para sa UP Sierra Madre Property. Sa Ecotourism, hindi mawawasak ang likas na yaman, manapa’y madagdagan pa at maayos ang nasirang National Botanic Garden. Hindi rin magastos ang pagsasaayos nito sapagkat ang mga estudyante, kawani, alumni, fraternities at sororities, non-government organizations ay magiging katuwang ng UP sa pagsasaka-tuparan ng proyektong ito. Habang pinapanatili nito ang malinis na batis ng mga ilog, ganoon din ang ibat-ibang uri ng kahoy, magiging mainam na lugar para sa camping site at fieldwork. Hindi lamang mag-aaral ng UP, kundi pati na rin ng ibang kolehiyo at pamantasan ay maki-kinabang dito. Dahil dito’y malaking tulong na pinansiyal ang ipapasok nito sa UP. Higit sa pakinabang na pinansiyal ay ang edukasyong ibibigay sa publiko tungkol sa kahalagahan ng pagpapanatili ng kapaligiran dulot ng mayamang kalikasan.

Bukod sa pinansiyal na aspetong layunin ng pagpapaunlad ng lugal na ito ay ang pagtatayo ng kampus sa UP Sierra Madre Property. Taglay ng UP Sierra Madre Property ang isang ideyal na kampus base sa parametro ng mga modernong pamantasan sa daigdig. Kung kaya’t ang bawat parsela ng lupa ng Laguna-Quezon at Laguna Land Grants ay mahalaga para sa itatatag na kampus ng UP. Ngunit dahil bakante ang lugal, iniisip ng ilan nating mga kababayan na walang nakaguhit na plano ng pagpapaunlad ang University kung kayat iginigiit ang paninirahan sa mga land grants ng UP.

Inaasahan pa rin na ipagpapatuloy na ang debelopment ng MARILAQUE Growth Area sa taong 2004. May planong maglagay ng international sea port sa Infanta, Quezon at ang Cyber City sa Infanta o sa Real, Quezon. Ang kahabaan ng Marcos Highway ay inaasahang itutuloy hanggang sa Infanta, kasama na ang paglalagay ng MRT. Magiging mabilis ang paglalakbay mula Diliman hanggang LQLG kung kayat napapanahaon nga ang pagsasakatuparan ng Master Plan sa Quezon-Laguna at Laguna Land Grants.


Loaded Links: UP Newsletter | UPDate | Philippine Collegian spacer

DISKUSYON
death in warDr. Roland Simbulan discusses the devastating impact on human service systems and physical infrastructure of any war.
The militarization of foreign policy: Impact on people's health

BUHAY-RETIRADO
Maria Ravelas Sombillo,
glamorosa at mala-donya ang dating. Masayang kausap at may kasama pang acting kung nagpapaliwanag. Iyan ang kanyang larawan sa unang limang (5) minuto ng aming pag-uusap.

KNOW YOUR REGENTBai Fatima Sinsuat
"With my background and experience, I will probably bring (to the BOR) some insight that could be applicable for the improvement of the academe." -- Regent Fatima Sinsuat
 
 




TAMPOK
Former CMC Dean Luis Teodoro shares his piece on lawyers, politicians and the country's language problem.
The Wages of English


See also: Master Plan sa Quezon-Laguna at Laguna Land Grants


Excerpts of BOR Decisions

Contained in the Minutes of the 1167th BOR Meeting on 30 January 2002

OPINYON
Editorial Urong-sulong sa pambansang wika
Heresies | Patricio Abinales
Once more Professor Mina Roces
Etsa-Pwera | Jun Cruz Reyes
Minsan may isang Rock Star
Pinoy Pulitika | Miriam Coronel Ferrer
Talk dirty war
Letter from the President | Dr. Francisco Nemenzo
Hands off Iraq

spacer
 
 


UP SYSTEM INFORMATION OFFICE
University of the Philippines
Quezon Hall Mezzanine, 1101 Diliman, Quezon City, Philippines
Telephone: (632) 9261572 or (632) 4367537
Telefax: (632) 4367537
Updated 10 March, 2003



Copyright © 2002 by byugo. All Rights Reserved

http://www.up.edu.ph// | site map | web policy | comments & feedback