February 2003
Isyu
Diskusyon

Rebyu
Balita
Opinyon
Tampok
Know your regent
Letter from the President
Past Issues

 

spacer
UP LINKS
System Homepage
Diliman
Manila
Visayas
Mindanao
Baguio
Open University

spacer
ONLINE NEWS
UP Newsletter
Collegian
UPDate

 
wwweb
google.com
up.edu.ph

UP System Homepage | UP Webmail | FORUM Home
 

Buhay Retirado
Maria Ravelas Sombillo
ni Bart Ortega

Maria Ravelas Sombillo, glamorosa at mala-donya ang dating. Masayang kausap at may kasama pang acting kung nagpapaliwanag. Iyan ang kanyang larawan sa unang limang (5) minuto ng aming pag-uusap.

Naglingkod siya ng 34 na taon sa Office of the Vice Chancellor for Administration. Dito sa tanggapang ito siya nag-umpisa bilang Clerk hanggang sa magretiro noong October 12, 1998 sa gulang na 65 bilang Administrative Officer II. “Ate Mary” ang karaniwang tawag sa kaniya ng mga malalapit na kakilala at kaibigan. Para naman sa ilan, isa siyang mataray na ay masungit pa. Pero ang katotohanan, ayon kay Vering Flores Mamino, mahigpit lamang siya pagdating sa trabaho. Ito ang pagtatanggol niya dahil nakasama niya si Ate Mary ng mahigit dalawampung taon.

Ang kanyang kabataan ay masaya at masagana. Fish cage operator ang kanyang mga magulang sa Pila, Laguna. Kahit na may elementarya sa kanilang barangay ay doon pa sa kabayanan siya pinag-aral ng kanyang mga magulang, Nakapagtapos siya sa University of Santo Tomas sa kursong AB Philosphy (Journalism). Nagtrabaho siya ng dalawang taon sa isang Law firm bago nagtrabaho sa UP Los Baños noong 1964.

Subalit nang maungkat ang kanyang buhay-pamilya, luha at lungkot ang kanyang naging katugunan. Aniya, kung anong luho at kaginhawaan ang kanyang naging buhay noong kabataan hanggang sa siya’y magdalaga, kabaligtaran naman ito ng kanyang buhay may-asawa.

May dalawa siyang anak, isang babae at isang lalaki. Ang panganay na anak niyang babae ay sa Amerika na nakatira, samantalang ang kanyang bunsong lalaki ay may asawa na rin, subalit malapit man ang bahay sa lugal ng kanyang tirahan ay malayo naman ang puso nito sa kaniya. Ang asawa naman ni Ate Mary ay mayroon nang ibang pamilya. Kung kaya’t tanging isang malaking aso na lamang ang kanyang kasama sa malaki at magara niyang bahay.

Nasa high school pa lamang ang kanyang panganay ay mag-isa na niyang binalikat ang pag-aaruga sa kanyang mga anak. Bagaman ang kanyang asawa noon ay isang overseas contract worker, hindi naman ito nagpapadala para sa pang araw-araw na gastusin sa pag-aaral ng kanyang mga anak. Labis na hirap ng katawan, pagod ng isip at sakit ng kalooban ang kanyang pinagtiisan. Subalit sa halip na manghina sa mga pangyayari, kinailangang siya’y maging matatag. Ang mga karanasang ito ang nagpatibay ng kanyang pananampalataya.

Ngayong siya’y retirado na, mabunga at maligaya niyang hinaharap ang buhay sa katandaan. Araw-araw pa rin siyang umaalis ng bahay, hindi para maghanap ng pera, kundi para makatulong sa iba. Kung tutuusin siya pa ang gumagastos. Ito ay dahilan sa abalang-abala siya sa mga ibat-ibang gawain ng El Shaddai (Laguna Chapter). Marriage Counselling at Healing ang kanyang ministry sa charismatic movement na ito. Halos kulang pa ang oras niya para sa ibat-ibang gawain sa Panginoon. Sa gulang niyang 69 ay malakas at aktibung-aktibo pa sa mga gawaing espiritwal. Biro pa niya, “kung mas maganda ako noon, mas maganda ako ngayon.”

Noon, malaking pera rin ang nagagastos niya sa mga iba’t-ibang sakit na karaniwan na sa mga matatanda. Halos hindi na siya makalakad noon dahil sa kanyang arthritis, subali’t ayon sa kanya nawala ang lahat ng ito sa kabutihan ni Yaweh El Shaddai. Ngayong siya’y pinagaling ng Panginoon ang nalalabi niyang buhay at lakas ay inilalaan na niya sa paglilingkod. Para kay Ate Mary, ang mga pinagkakaabalahan niyang mga gawain ay isang prebilihyo na makapaglingkod sa Diyos at sa tao.


Loaded Links: UP Newsletter | UPDate | Philippine Collegian spacer

DISKUSYON
death in warDr. Roland Simbulan discusses the devastating impact on human service systems and physical infrastructure of any war.
The militarization of foreign policy: Impact on people's health

BUHAY-RETIRADO
Maria Ravelas Sombillo,
glamorosa at mala-donya ang dating. Masayang kausap at may kasama pang acting kung nagpapaliwanag. Iyan ang kanyang larawan sa unang limang (5) minuto ng aming pag-uusap.

KNOW YOUR REGENTBai Fatima Sinsuat
"With my background and experience, I will probably bring (to the BOR) some insight that could be applicable for the improvement of the academe." -- Regent Fatima Sinsuat
 
 




TAMPOK
Former CMC Dean Luis Teodoro shares his piece on lawyers, politicians and the country's language problem.
The Wages of English


See also: Master Plan sa Quezon-Laguna at Laguna Land Grants


Excerpts of BOR Decisions

Contained in the Minutes of the 1167th BOR Meeting on 30 January 2003

OPINYON
Editorial Urong-sulong sa pambansang wika
Heresies | Patricio Abinales
Once more Professor Mina Roces
Etsa-Pwera | Jun Cruz Reyes
Minsan may isang Rock Star
Pinoy Pulitika | Miriam Coronel Ferrer
Talk dirty war
Letter from the President | Dr. Francisco Nemenzo
Hands off Iraq

spacer
 
 


UP SYSTEM INFORMATION OFFICE
University of the Philippines
Quezon Hall Mezzanine, 1101 Diliman, Quezon City, Philippines
Telephone: (632) 9261572 or (632) 4367537
Telefax: (632) 4367537
Updated 10 March, 2003



Copyright © 2002 by byugo. All Rights Reserved

http://www.up.edu.ph// | site map | web policy | comments & feedback