January 2003
Isyu
Diskusyon

Rebyu
Balita
Opinyon
Tampok
Know your regent
Letter from the President
Past Issues
 

spacer
UP LINKS
System Homepage
Diliman
Manila
Visayas
Mindanao
Baguio
Open University

spacer
ONLINE NEWS
UP Newsletter
Collegian
UPDate

 
wwweb
google.com
up.edu.ph

UP System Homepage | UP Webmail | FORUM Home
 

Bahay na Pangako, Napako
Ni Bart Ortega

Marami nang mga dekada ang lumipas at patuloy na lumalaki ang bilang ng mga kawani ng Unibersidad — sa Diliman at sa iba pang kampus – na nagpupunyagi upang magkaroon ng sariling lupa at bahay. Bilang katugunan, minarapat ng UP na maisakatuparan ang programang Off-Campus Housing Project para sa mga kawani ng UP Diliman. Noong July 12, 1995, ginanap ang Housing Fair sa lobby ng Quezon Hall na nilahukan ng mahigit na sampung (10) housing developers.

Isa rito ang San Marco Realty na di-umano’y may housing project sa Sta. Elena, Antipolo City. Maganda ang lugal at kaakit-akit ang tanawain kung kayat mahigit sa 200 kawani ng UP Diliman ang naghain ng aplikasyon sa pabahay sa Sta. Elena housing project. Upang makatulong ang UP sa pinapangarap na bahay, pumayag itong magpautang ng halagang P12,500 bawat isa batay sa kahilingan ng pamunuan ng ONAPUP. Ang “soft loan” na ito ay babayaran ng kawani sa loob ng tatlong (3) taon. Sa talaan ng UP Diliman Accounting Office may bilang na 226 ang pinagkalooban ng soft loan na direktang ibinigay sa San Marco Realty. Matapos ang 5 taon, wala kahit isang bahay na naitayo ang San Marco Realty, samantalang bayad na silang lahat sa hinihinging processing fee na halagang P12,500.

Sinadya ng FORUM ang tanggapan ng San Marco Realty upang tiyakin kung talagang hindi na matutuloy ang nasabing project at ano ang dahilan kung bakit sa loob ng 5 taon kahit isang bahay ay wala silang naitayo. “Hindi na talaga matutuloy pa ang project,” ang naging tugon ni Marc Lagdameo, presidente ng San Marco Realty. Aniya, nakasanla ang nasabing lote sa bangko. Binanggit pa niyang noong 1997 nagkaroon ng financial crisis at napahinto ang programa ng gobyerno sa pabahay. Ayon naman sa iba, hindi raw ito totoo sapagkat kailanman ay hindi itinigil ang programa sa pabahay. Subalit ayon naman kay Ed Sabat, dating Officer-in-Charge ng UP Diliman Housing Office, bago nagkaroon ng housing fair ay hinanapan na niya ang San Marco Realty ng “permit to sell” mula sa HUDCC. Ito ay nang magkaroon ng pakikipagdiyalogo ang mga housing developers sa mga kawaning nagnanais na magkaroon ng bahay na ginanap noon sa NISMED. Sa kabila ng lahat ng ito, natuloy pa rin ang paglagda sa isang kasunduan (Memorandum of Agreement) sa pagitan ng ONAPUP at San Marco Realty. Naging saksi sa paglagdang iyon si Patrick Alain Azanza, na noon ay Director ng Human Resources Development Office ng UP Diliman. Ang nilagdaang MOA ay inihanda ng San Marco ayon pa kay dating Director Azanza. Kung kaya’t hindi maiwasang isipin ng maraming kawani na hindi naging matibay ang kasunduang iyon.

Isa sa mga naghihimutok ay taga College of Arts and Letters. Ayon sa kanya daglian siyang nagbayad ng P20,000 mula sa sarili niyang savings upang maunang mapagkalooban ng bahay. Subalit siya’y nabigo at bigo pa rin na maibalik ang kanyang binitawang pera. Mahigit nang isang taon siyang nangungulit sa San Marco na ibalik sa kaniya ang downpayment subalit hanggang sa kasalukuyan, kahit singkong-butas ay walang ibinabalik sa kaniya sa kabila ng hindi na mabilang na mga dahilan at pangako.
Sa dokumentong ipinakita sa FORUM ng mga nagngitngit sa galit na kawani, bawat isa sa kanila ay nakabayad ng halagang P14,500. Kung bakit napako, ay hindi nila lubos na maunawaan ang bagay na ito. Ang tanging alam nila ay plantsado ang lahat ng transaksyon, gaya ng binanggit ng San Marco noong mga panahong ng kanilang pakikipagtalakayan. Mataas ang kompyansa ng mga kawani dahil may nilagdaang kasunduan. Sa panig ng mga kawani, may pananagutan ang UP dahil lumagda ito sa isang kasunduang hindi pinag-aralan ang kredibilidad at kakayahan ng San Marco Realty.

Hindi lamang sa Diliman nagkaroon ng housing project ang San Marco Realty. Nagkaroon din sila ng UPLB-ONAPUP housing project sa Bay, Laguna para sa mga kawani ng UP Los Baños. Tatlong daang bahay ang binalak na itayo ng San Marco Realty subalit 120 lamang ang natuloy at 30 lamang dito ang may laman. Kahit marubdob ang pagnanais nilang magkaroon ng bahay ay hindi nila makayanan ang problemang kaakibat ng housing project doon. Isa na rito ang kawalan ng access road kung kayat napipilitan silang umikot ng malayo at umarkila ng tricycle sa halagang P30.00 bawat biyahe bukod pa sa pamasahe sa jeep na P11.00 mula sa UPLB. Kung ayaw mong magbayad ng P30.00 ay doon ka magdaraan sa maputik na pilapil ng tubigan. Hindi lamang ito ang problema doon, wala ring running water sa bawat bahay. Deep well ang source ng tubig.

Isa pang naging problema sa UP Los Baños ay hindi naging malinaw sa mga kawani na kailangang sumailalim ang kanilang aplikasyon sa pabahay sa Pag-Ibig. Ayon sa mga taga UPLB, para maging kwalipikado sa pabahay na ito, kinakailangang ang kawani ay may kakayahang magbayad ng buwanang hulog na halagang P1,400. Para sa mga nakararaming apektadong kawani, malinaw na nagkulang ang pamunuan ng ONAPUP na maipaliwanag ang mga rekrimiyentong ito bago naglagak ng aplikasyon.

Ayon naman kay Fred Rodolfo ng HRDO Diliman, sinadyang walang ganitong pagpapaliwanag dahil baka wala pa sa ika-sampung porsiyento ang bilang na magiging kawalipikado. Ayon naman kay Zeny Cabrales, may authorization letter silang nilagdaan kung saan ay binibigyan nila ng pahintulot ang San Marco na siyang mag-asikaso ng pautang sa pabahay. Idinagdag pa niyang ang San Marco rin ang bahalang umayos ng lahat para siguradong makakuha ng pabahay.

May mga kawaning nakabayad na ng halagang P60,000 bawat isa subalit hindi nila magawang lumipat sa housing project na ito dahil sa mataas na transportation cost kung kayat pinauupahan na lamang nila sa maliit na halaga lamang para kahit papaano’y makabawas sa kanilang bayarin. Ang iba naman, kahit na malayo ay pagtitiyagaan na ito kahit na hindi sapat ang kanilang pera para sa buwanang bayad sa Pag-Ibig na halagang P1,400.

Para makapag-refund ang mga taga UP Diliman, tinangka ni Marc Lagdameo na palagdain ang mga kumukuha ng refund sa isang kasunduang sila’y babayaran kapag may koleksiyon sa mga taga UPLB. Hindi naman sila pumayag sa dahilang ang perang ibinayad ng UP sa San Marco ay di-umano’y naka “escrow account” sa PNB. Kung kaya’t walang dahilang hindi maibabalik sa kanila ang pera. Ngunit ang lahat ng ito ay haka-haka lamang sapagkat ayon sa UP Diliman Accounting Office direkta nilang ibinayad sa San Marco ang soft loan na hinihingi ng San Marco bilang processing fee.
May mga akusasyon na ang HRDO Diliman ay nagkulang sa pagbusisi ng project para tingnan ang kakayahan ng San Marco na makapagtayo ng bahay. Sa panayam kay dating HRDO Director Patrick Alain Azansa , sinabi niya na naging malinis ang proseso at wala siyang agam-agam na hindi matutuloy ang proyekto.

Sa kasalukuyan, hindi nila malaman ang pinakamabuting solusyon sa problema sa pabahay. Ang kanilang sentimiyento ay biktima sila ng maling sistema. Hindi na sapat ang housing ng UP para sa empleyado, nakakasingit pa ang mga taga labas na makapanirahan sa housing units ng UP sa kabila ng katotohanang hayag na hayag ang lahat ng ito sa mga kinauukulang namamahala sa pabahay ng UP. Daing pa nila, may bahay ang mga taga labas, samantalang silang naglilingkod o naglingkod ay walang bahay o di kaya naman ay ang agarang pagpapaalis sa kanilang inuupahang bahay pagkatapos mag retiro. (Bart P. Ortega)


Loaded Links: UP Newsletter | UPDate | Philippine Collegian spacer

FEEDBACK
textingREBYU
TXT-ING SELVES author Prof. Raul Pertierra et. al. discusses the real theoretical and empirical substance behind their work.
Txt-ing Selves: Cellphones and Modernity

doctors operating on a patientDISKUSYON
What follows is a consolidated position paper of UP Manila on the Proposed Medical Malpractice Bill submitted to the Senate and the House Committee on Health by UP Manila Chancellor Dr. Marita V. Reyes.
Upholding the patient's right to quality health care

LETTER
A letter of a Venezuelan to his friends in UP
Touched by the Magic of a Filipino soul
 
 
spacer
spacer




Commonwealth Park flower display in CanberraTAMPOK
Dr. Roland Simbulan shares his nostalgia and good memories of Canberra -- Australia's panoramic city which he was able to visit several times.
In Canberra, the future is green(er)



Excerpts of BOR Decisions

Contained in the Minutes of the BOR Meeting on 02 Dec 2002

OPINYON
Editorial Voicing Peace
Heresies | Patricio Abinales
Kris Aquino and the demise of Filipino aristocracy
Etsa-Pwera | Jun Cruz Reyes
Ang pulitika sang-ayon kay Gat Munti: Sobra pero kulang
Pinoy Pulitika | Miriam Coronel Ferrer
GMA's sacrifice and civil society metastasis
Letter from the President | Dr. Francisco Nemenzo
Ibagsak ang Digital Imperialism

spacer
 
 


UP SYSTEM INFORMATION OFFICE
University of the Philippines
Quezon Hall Mezzanine, 1101 Diliman, Quezon City, Philippines
Telephone: (632) 9261572 or (632) 4367537
Telefax: (632) 4367537
Updated 4 February, 2003



Copyright © 2002 by byugo. All Rights Reserved

http://www.up.edu.ph// | site map | web policy | comments & feedback