Pumanaw na ang dating Chairperson ng Civil Service Commission na si Karina Constantino-David. Si David ay isang propesor sa Unibersidad ng Pilipinas at dating tagapangulo ng Department of Community Development. Siya ay nagsilbi sa gobyerno sa loob ng mahigit isang dekada sa ilalim ng iba’t ibang administrasyon.